General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Isang malaking kumpanya sa Hsinchu County Taiwan nasunog


Hsinchu, Taiwan (October 11, 2020)- Isang kumpanya na kilalang supplier ng apple sa Xinfeng, Hsinchu County nasunog ngayong hapon.

Ayon sa Hsinchu County Fire Department, nakatanggap umano sila ng tawag bandang 1:50 pm hinggil sa nasusunog na kumpanya ng Fuyang Technology Co. Ltd na kung saan kilala bilang supplier ng apple. Kaagad nagpadala ang Fire department ng 13 fire truck mula sa  First Brigade, Xinfeng, Yamazaki, Industrial, Hukou, at Zhubei kasama ang 27 rescuer.

Nagsimula raw ang sunong sa isang gusali sa ikalimang palapag ng kumpanya na kalaunan ay lumabas rin ang maitim na usok sa una at pangalawang palapag sa nasabing gusali. Ayon sa fire department, kaagad naman nakalabas ang mga empleyado ng kumpanya at walang naitalang namatay o nasaktan. Sa ngayon ay inaalam pa ang sanhi ng nasabing sunog.

Share:

1 comment:

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive