General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Isang mangingisda sa Taiwan nakapulot ng "ambergris" na nagkakahalaga ng NT$6 million


Isang Mangingisdang Taiwanese ang viral ngayon online matapos ilabas ang larawan na nakapulot umano ito ng isang mamahaling bato sa dalamapasigan na nagkakahalaga ng NT$6 million.

Ayon sa report, buwan ng Marso ng mapulot ni Li ang isang bato sa Orchid Island.Ang isla ay matatapuan sa timog-silangang bahagi ng Taiwan kung saan ang pinakamalapit na lugar ay Kaohsiung. 

Base sa ulat, si Mr. Li ay residente mismo ng nasabing isla at isang araw habang nangingisdaito sa dalampasigan malapit sa kanilang bahay ay may nausisa siyang isang maitim na bato na tila matamis at may mabangong amoy. Kaya naman dinala niya ito sa kanilang bahay.

At sa kagustuhan niyang malaman kung ano ba talaga iyong napulot niya ay nagpadala ito ng sample sa National University ng Kaohsiung sa tulong ng kanyang kaibigan. At October 7, ay lumabas ang resulta. Ayon kay Associate Professor ng Life Sciences Cheng Shi-Yie, ang napulot na bato ni Li ay isang "ambergris" base sa kanilang pagsusuri  gamit ang nuclear magnetic resonance spectroscopy (NMR).

Ang "ambergris" o kilala bilang "whale vomit" o " floating gold" ay isang suka mula sa sperm whale kung saan napakamahal ng halaga nito na ginagamit bilang kasangkapaan sa pagawa ng mamahaling pabango.

Base sa international market value ang "ambergris" ay nagkakahalaga ng US$50,000 kada kilo.

Ayon naman kay Mr. Li kanya daw ibebenta ang napulot niyang bato upang gamitin ang pera para sa kanyang pamilya.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive