General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Isang OFW kumakatok sa ating mga puso upang matulungan ang kanyang ina na-comatose



APAT NA ANAK NA HINDI MAKAPILING ANG INA SA HULI NITONG MGA SANDALI, NAGPAALAM SA PAMAMAGITAN LANG NG VOICE MESSAGE

"Ang hirap lang tanggapin 'Nay na hindi ka man lang namin nasamahan ngayong kailangang-kailangan mo kami. Sa totoo lang Nay, takot ako. Basta 'Nay, sana lagi mong tandan, mahal na mahal kita.”

"Hello Nay, kumusta ka na? Miss ka na namin Nay. Nandito kami ngayon sa, Padre Pio. Nagsimba kami. Sorry Nay, umiiyak ako."

Masakit para sa magkakapatid na Marjorie, Mariel, Marco at Margaret na wala silang magawa para maalagaan ang kanilang ina. Hindi man lang nila madalaw, makasama o mahawakan si Nanay Nene habang nakikipaglaban ito sa COVID-19.

Ang dalawa kasi sa kanila dinapuan din ng virus habang ang isa ay nasa ibang bansa. Tanging sa video call lang nila nakakapiling ang inang naghihikahos sa CCU (Coronary Care Unit) ng ospital. Dumagdag pa sa kanilang problema ang higit dalawang milyong kabuuang gastusin.

Na-cardiac arrest ang kanilang ina at tuluyan nang na-comatose nang dahil sa komplikasyon dulot ng COVID-19. Marinig pa kaya ni Nanay Nene ang mensahe at pamamaalam ng kanyang mga anak? Paano kakayanin ng pamilya ang pagsubok na ito?

Sa mga nais magpahatid ng tulong, maaring makipag-ugnayan kina:

Marjorie R. Acob
0919 868 6495
Marco Rivera



Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive