General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Isang OFW sa Taiwan arestado matapos manghold-up sa isang convenience store


Changhua City, Taiwan ( October 22, 2020)- Matapos ang dalawang araw na imbestigasyon, natukoy at inaresto kahapon ang isang Pinoy OFW sa Changhua dahil sa kasong robbery.

Ayon kay Cai Zhichang, deputy captain of the investigation team ng  Changhua Police Station, "nang hold-up" ang isang lalaki na nasa 29 taong gulang sa isang 7/11 Store sa may Zhongzheng Road sa Changhua City. At bandang alas 2:00 ng madaling araw ng Oktobre 17, nangyari ang insidente. Dala umano ng suspek ang isang patalim gamit sa panghold-up kung saan natangay ang mahigit NT$10,000.



Base sa imbestigasyon, lumalabas na nagpalit umano ang suspek ng damit sa isang bakanteng lote matapos itong mang-holdup, at saka sumakay ng taxi kung saan gumastos daw ito ng NT$1,600 balikan. Sa masusing imbestigasyon at sa tulong ng mga CCTV, nasundan ang kinaroroonan ng suspek dahil sa sinakyan nito kung saan binagtas  ang lugar  ng Fangyuan Township Industrial Zone. At doon natukoy ang suspek na isang Pinoy at nakilala sa Chinese name na "Ma" at nakatira sa isang dormitory sa nasabing industrial zone. At nabawi naman sa suspek ang pera, nang tanungin ang suspek bakit nagawa ang krimen na 'yun ang sagot ay "dahil sa kahirapan at kulang ang kanyang pampadalang pera sa kanyang pamilya sa Pilipinas.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong robbery sa Changhua District Prosecutor's Office.








Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive