General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Isang Pinay sa UEA patay matapos subukan tumakas sa mga pulis

United Arab Emirates (Oktubre 27, 2020) - Isang Pinay patay matapos magtangkang takasan ang mga pulis sa Al Mureija, Sharjah, nangyari ang insidente araw ng Linggo.

Ayon sa mga awtoridad, ang isang Pinay Expat na nasa edad 30 ang tumalon sa balcony ng isang apartment sa Al Mureija matapos itong maaktuhang humihithit ng shisha kasama ang kasintahang Arabu sa isang apartment na hindi naman nila pag-aari. 

Base sa ulat marami daw ang nakasaksi sa pagtalon ng Pinay dakong 12:40 am ng madaling araw. At hindi na naisugod pa ang biktima sa pagamutan dahil binawian daw kaagad ito ng buhay.

Samantala ang kanyang kinakasamang Arabu ay hinuli ng mga awtoridad.

Source: The Filipino Times


Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive