General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Isang Pinoy OFW inaresto sa Taiwan matapos pwersahang hinawakan ang isang pawikan


Hsinchu, Taiwan (October 5, 2020)- Isang Pinoy OFW ang inaresto ng Taiwan coast guard dahil sa pwersahang paghawak ng pawikan sa pinasyalan nilang isla sa Southwestern Taiwan.

Ayon sa Coast Guard Administration ng Taiwan ang naaresto ay isang 45 years old na Pinoy migrant worker, nakatanggap umano ng tip mula sa isang turista ang ahensya na nakita nilang puwersahang hinawakan daw ang nasabing pawikan ng isang migrant worker sa Huapingyan sa may offshore coral reef island, base sa litrato na nakuha ng Coastguard makikitang puwersahan itong hinawakan ng Pinoy. At Nangyari ang insidente sa Liuqiu (Lambai Island) ng Pingtung County sa southwestern Taiwan.

Inamin naman ng suspek ang pangyayari kung saan base sa Wildlife Conservation Act ng Taiwan , Article 18, na nagsasaad ng "the outlaws acts of disturbing, abusing, hunting, or killing protected wildlife" ay maaring maharap sa isang taong pagkakakulong o areglo sa halagang NT$60,000 at multang NT$300,000. At kung nagresulta naman sa pagkamatay ay maaaring makulong ang suspek ng hanggang 2 taon o multang NT$500,000 base sa batas.

Ayon naman sa Liuqiu Township, ito na ang pang sampung kaso ngayon taon kung saan ang mga turista ay lumabag sa nasabing batas kahit na sa mahigpit na paalala. Ang Liuqiu ay kilala na sanctuary ng mga marine turtles sa Taiwan.

Muli naman nagpaalala ang Ocean Affairs Council ng Taiwan sa mga turista na huwag hawakan, gambalain o pakainin ang mga nasabing pawikan.

Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive