General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

May-ari ng Drugstore sa Taiwan at tatlong iba pa kinasuhan dahil sa pagbebenta ng mga pekeng face masks


Hsinchu, Taiwan (October 13, 2020)- Tuluyan ng kinasuhan ng Hsinchu District Prosecutors Office kahapon araw ng Lunes ang apat katao na promotor sa pagbebenta ng mga pekeng face mask at pag-imprinta ng pekeng label.

Kinasuhan na ang apat na konektado sa Wholecome Pharmacy Drugstore Chain (合康連鎖藥局)  na nagbebenta umano ng mga pinekeng face mask kung saan pinapalitan ng label ang bawat box at face masks upang palabasin na ito'y surgical mask kahit hindi naman.

Ayon kay Head Prosecutor Chen Yu-hua sa isinagawang presscon kahapon araw ng Lunes, ang kanilang opisina ay nagsagawa ng imbestigasyon sa 21 na lokasyon kasama na dito ang iba't-ibang branch ng Wholecome Pharmacy drugstore at nasabat nila ang nasa 512,745 na masks at electronic records kasama na ang mga account books.

Nakilala ang apat na si Mr. Ho na may-ari ng drugstore at Chief operating officer na si Mr. Chen at 2 pang mga manufacturer. Kung saan ayon kay Chen kumita umano ang mga ito ng aabot sa NT$10 million.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive