General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Mga mangingisda Tsino pinalayas gamit ang water cannon ng Taiwan Coast Guard

 


Taipei, Taiwan (October 28, 2020)-  Naglabas ng hinanakit China’s Taiwan Affairs Office Spokesperson Zhu Fenglian (朱鳳蓮) matapos umanong palayasin at gamitan ng water cannon ng Taiwanes Coast Guard ang mga mangingisda Tsino kung saan nagtatago daw ito dahil sa malakas na hangin sa may Penghu Island.

Matatandaang Oktobre 23 nang ipadala ng Coast Guard ang 3,000 Tonner na Yilan-class ship "the Kaohsiung" kung saan sapilitang pinalayas ang mga mangingisdang Tsino dahil nasa teritoryo umano sila ng bansang Taiwan at walang pahintulot na makapasok sa Exclusive Economic Zone.

Tatlong araw matapos ang insidente may mga nasa kulang 100 Chinese sand dredging ship naman ang pumalibot sa Nangan Island sa may Matsu Island at apat dito ay nasa loob ng EEZ kaya napilitan ang Coast Guard na palayasin ang mga ito.

Oktobre 3, naman ng mahuli ng mga awtoridad ang isang 6,000 tonners na dredging ship sa may Nangan Island na kasalukuyang nililitis sa Lien Chiang District Prosecutor's Office.

Samantala tinawag naman ito ni Zhu na "barbaric" at "inhumane" ang ginagawa ng Coast Guard. Ngunit giit naman ng Taiwan Coast Guard ay gagawin nila ang kanilang trabaho at babantayan at papalayasin ang sinumang manghimasok sa teritoryo ng bansang Taiwan.

Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive