General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Mga microwavable meals sa mga convenience stores sa Taiwan nakitaan ng mataas na lebel ng E. coli bacteria

 


Taipei, Taiwan (October 30, 2020)- Mga pagkaing ibebenta sa mga kilalang Taiwan retailers kasama ang 7-Eleven, Family Mart, Wellcome, OK Mart, at PX Mart nakitaan mataas na lebel ng E. Coli bacteria ayon sa Taiwan's Food and Drug Administration (FDA).

Sa pahayag ng FDA, Huwebes, nagsagawa ang kanilang ahensya ng pagsusuri sa mga microwavable meal sa 190 na convenience sa buong bansa noong buwan ng Hunyo at Hulyo at sa resulta ng pagsusuri ay nakitaan ng mataas na lebel ng E. coli bacteria ang mga pagkain tulad ng chive dumplings, pre-cooked potstickers, spaghetti, rice burgers, roasted chicken sandwiches, at assorted barbecued items. Dagdag pa sa nakita ng FDA ang maling lebel ng nutrition facts na ibebenta sa Family Mart at OK Mart.

 Pinagmulta ng ahensya ang mga nasabing retailers ng aabot sa NT$160,000. 

Muling pinaalalahanan ng ahensya ang publiko na maging mapanuri sa binibili, na iwasan ang mga tindahan na may maruming kapaligiran at agad daw kainin ang mga nabiling pagkain dahil mabilis itong mapanis.




Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive