General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Mga OFW na uuwi mula sa mga bansang may mababang kaso ng COVID-19 hindi na daan sa swab test at quarnatine

Manila, Philippines (October 20, 2020)- Magandang balita para sa mga OFW na uuwi ng Pilipinas lalo na sa mga galing sa bansang may mababang kaso ng COVID-19. Dahil ayon sa DOH ay hindi na kailangang dumaan sa COVID-19 test ang mga ito.

Base sa inilabas na bagong alintuntunin ng Department of Health, lahat ng OFW na uuwi mula sa bansang may mababang kaso ng COVID-19 ay hindi kailang dumaan sa swab test at quarantine. Pero kapag ang isang OFW ay galing sa bansang may mataas na kaso ng COVID-19 ay obligadong dumaan ito sa swab test at quarantine period. 

Subalit nilinaw naman ng ahensya na sa mga uuwing OFW sa kanya-kanyang mga probinsya ay bahala na ang lalawigan o bayan sa pagpapatupad ng kanilang mga lokal na batas kung ang isang LSI ay idadaan pa rin nila sa swab test at quarantine.

Ayon kay Undersecretary Maria Rosario Vergeire na tagapagsalita ng DOH, hindi na kailangan pa swab ang mga parating sa Pilipinas dahil dadaan naman daw ito sa swab test sa bansang kanilang pinanggalingan. At ayon rin sa ahensya na kasama na dito sa bagong regulasyon ang mga balikbayan.

Ang mga dayuhan naman na galing sa may mataas na kaso ng COVID-19 ay hindi pa rin papayagan ng Pilipinas na makapasok ang pwede lang daw ay mula sa mga bansang may mababang kaso at katamtaman. At ang mga mula sa may katamtamang kaso ay sasailalim pa rin sa swab test at quarantine.

SOURCE Via: GMA News


Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive