General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Napipintong malaking military drill ng PLA ng China ikinababahala ng bansang Taiwan



Hsinchu, Taiwan (October 11, 2020)- Lubhang iknababahala ng bansang Taiwan ang sunod-sunod na military exercise na ginagawa ng China kung saan malapitan itong ginagawa sa kanilang teritoryo.

Ngayon araw ay nagpalabas ng ang Management Committee of the Gulei Port Economic Development Zone in Zhangzhou, Fujian Province, China na bawal pumalaot at dumaan sa mga lugar ng Hongyu at Hengyu, mula Dajianshan Reef sa Liuao Peninsula at north, Shazhou Island sa west, 10 kilometers south ng Hengyu sa south, at 12 kilometers east ng Hengyu sa east.

Base kasi sa post ng website ng Peoples Liberation Army (PLA) ng China ay magkakaroon ito ng isang makatotohanang military exercise simula October 13-17, 2020. Kaya simula 15:00 military time ay bawal na maglayag sa mga nasabing lugar.

Agad namang kinondena ni Taiwan President Tsai Ing-wen ang nasabing military exercise kung saan kaharap mismo sa Taiwan ang magaganap ng military exercise sa may east ng Gulei Peninsula sa Fujian Province. Ngunit hindi ito pinakinggan ng Beijing.

Nakahanda at magmamasid ang buong sandatahan lakas ng Taiwan sa gagawing military exercise ng mga PLA.

Source: UDN



Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog Archive