General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Palace:Pagtanaw ng utang na loob kong kayat mataas ang approval ratings ni Pres.Duterte



Manila- Nitong Martes October 6, 2020 ayon sa malacañang ang pagtanaw ng utang na loob ng mga mamamayang Pilipino dahil sa pagkakaroon ng isang malakas na lider nitong pandemya kong kayat mataas ang nakuhang approval ratings ni President Duterte sa isinagawa ng isang poll survey kamakaylan lang.

Matatandaang nagbigay ng "record breaking" P 200 billion cash aid ang gobyerno sa pamamagitan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program at small business subsidy program upang matugunan ang kresis nitong pandemya itoy ayon sa pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque. "Napakalaki talagang halaga na galing sa kaban ng bayan ang ibinigay natin sa ating mga kababayan sa panahon ng pandemya.Ang Pilipino napakagaling tumanaw ng utang na loob" ani Roque sa isang panayam sa TeleRadyo.Dagdag pa nito,pangalawa daw umano ay psychologically,dahil ngayong panahon ng pandemya gusto ng mga pinoy ng isang matatag na lider,may isang magandang layunin para sa bayan.Alam din daw ng publiko kong gaano ka seryoso si Pangulong Duterte ngayong pandemya.Hindi narin daw kailangang pabanguhin at magkaroon ng malakas na charisma ang pangulo sapakat totoong tao ito.

Ayon sa inilabas na resulta ng isang survey ng approval ratings nitong Lunes ng Pulse Asia,si Pesident Duterte ay nakakuha ng 91 percent at 57 percent naman para kay Vice President Robredo sa buwan ng Setyembre.

Matatandaang nitong Lunes ay nakapagtala ang Pilipinas ng 324,000 na kaso ng Covid-19 pinakamataas sa Southeast Asia sa kabila ng pagkakaroon ng pinaka mahabang lockdown sa buong mundo.

Patuloy parin na umaasa ang gobyerno sa darating na vaccine upang matuldukan na ang pagkalat ng virus na ito.
Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive