General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Patay sa South Korea umabot na sa 36 dahil umano sa libreng "vaccine flu"

 

South Korea (October 26, 2020)- Umabot na sa 36 katao ang iniuugnay na namatay umano dahil sa libreng bakuna na ibinibigay ng gobyerno ng South Korea. 

Base sa datus noong Biyernes ay umabot na sa 36 ang namatay kabilang na dito ang isang 17 years old na high school student ayon sa Korea Biomedical Review. At ilang mga distrito at munisipyo ang humingi sa Korean Disease Control and Prevention Act (KDCA) na ipagpaliban muna ang pagbibigay ng vaccine flu subalit nanindigan naman ang ahensya na ituloy ang bakuna dahil wala naman daw napapatunayang may kaugnayan sa bakuna ang sanhi ng pagkamatay ng 36 na pasyente.

“The number of deaths has increased, but our team sees the low possibility that the deaths resulted from the shots,” KDCA Commissioner Jeong Eun-kyeong paliwanag niya sa mga mambabatas noong ipinatawag siya sa hearing noong Huwebes.

Samantala nangako naman si Health Minister Park Neung-hoo na ipapasuri niya ng mabuti kung saan at sinu-sino sa gobyerno at ahensya ang sangkot mula "production to distribution."

Nasa pitong kumpanya naman ang producer umano ng mga vaccine, sa pangunguna ng France-based Sanofi at six domestic firms—SK Bioscience, Shinsung Pharm, Korea Vaccine, GC Pharma, Boryung Biopharma at LG Chem. 

Source: Fierce Pharma

Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive