General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Premium rate ng Labor Insurance ng Taiwan nakatakdang tumaas ng 11.5% sa susunod na taon

 

Taipei, Taiwan (October 31, 2020)- Labor Insurance sa Taiwan nakatakdang magdadag ng premium sa susunod na taon ayon sa pamunuan.

Simula sa susunod na taon ay tataas sa 11.5% ang premium rates ng labor insurance at inaasahang maapektuhan ang nasa 10.5 million kasama na dito ang migrant workers.

Ayon sa pamunuan dadag sa bayaran ang NT$24-NT$46 kada buwan, samantala papasanin naman ng mga employer ang NT$84-NT$160 kada buwan sa bawat empleyado.

Matatandaang Enero taong kasalukuyan ay tumaas ang rates ng 11% mula sa 10.5%. 

Sa susunod na taon ay nakatakda rin itaas  ang sahod ng mga ordinaryong manggawa sa NT$200 kada buwan.

Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive