General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Public Works and Highways Sec. Mark Villar may babala sa mga buwayang opisyales at contractor sa gobyerno


Simula ng maupo si Public Works and Highways Secretary Mark Villar ay kaliwa't kanang mga proyekto na ang natapos sa kanyang ahensya. Kaya naman buong ipinagmamalaki niya ang kanilang nagawa na walang bahid ng korapsyon.

Nagbabala pa si Sec. Villar sa mga opisyales at mga contractors laban sa korapsyon.

“Yung mga corrupt, siyempre kami po ay nakatutok at hahanapin namin kayo. Gagawin namin ang lahat para maging malinis ang government dahil ‘yon po ang layunin ng ating Pangulong Duterte. Kami naman po, we are one and we will work even harder to improve.

We will be more aggressive in monitoring our projects and of course servicing complaints. Kaya kung mayroon pong cases of corruption we welcome any pieces of evidence that might help us catch the perpetrators.

Ini-improve namin ang sistema para ma-trap natin ang kurapsyon and of course mabigyan ng solusyon ang kurapsyon sa government at sa department.” ayon kay Sec. Villar.

Matatandaang isa sa mga binanggit ni Pangulong Duterte na kurap na ahensya ay ang DPWH at mga contractor nito dahil sa mga "dirty deal" na pinagmumulan ng korapsyon.

Nilinaw naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na nananatili pa rin ang trust and confidence ng pangulo sa kabila ng pagkadawit ng ahensya sa korapsyon.

“It helps na mas marami pang pera ang pamilya ni Secretary Villar kaysa sa DPWH,” dadag pa ni Roque.

Share:

No comments:

Post a comment

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community

Join now in our TAIWAN Online Facebook Community
Click the picture to join the group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group

Join now in our JAPAN Online Facebook Group
Click the image to join JAPAN HIRING GROUP
Loading...

Blog Archive