General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

SALN ng Securtiy Guard sa Bureau of Immigration umabot sa P10 milyon?

Manila, Philippines (October 22, 2020)- Kontrobersyal para sa mga National Bureau of Investigation (NBI) ang SALN ng mga ilang trabahante ng Bureau of Immigration (BI). 

Lumalabas na hindi tugma sa kanilang mga sahod ang  statement of assets, liabilities, and net worth ng mga opisyal. Kabilang na dito ang isan opisya na sumasahod lang P32,000 kada buwan ngunit ang SALN ay umaabot sa P27.9 milyon.

Sa surveillance video ng NBI sa isang pagpupulong ng mga taga BI, sunud-sunod na pumapasok sa parking area ang mga sports car at luxury vehicle.

Napansin rin ng mga taga BI ang buwan-buwan na out of town trip ng mga ilang opisyal.

"Kung basic salary ang source, hindi malinaw. Siguro baka may negosyo pero dapat nakadeklara sa SALN, lalo na kung sa pamilya," ani Emeterio Dongallo, chief ng NBI special action unit.

Isa pa sa nakakagimbal na SALN ng isang security guard ng BI umaabot sa P10 milyon na kung pagbabatayan ang kanyang buwanang sahod ay P14,000 lamang.

Iniimbistigahan ng NBI ang mga taga Bureau of Immigration dahil sa "pastillas scam" kung saan nagbibigay ng lagay ang mga chinese upang makapasok sa ating bansa. 



Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive