General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Signal no.4 maaring itaas sa probinsya ng Aurora at Quezon -Meteorologist

 

Manila, Philippines (October 30)- Bagyong "Rolly" pumasok na Philippine Area of Responsibility (PAR) ayon sa PAGASA.

Namataan ang bagyo kaninang alas 3:00 ng umaga sa layong 1,195 kilometro mula sa silangang bahagi ng Central Luzon, kung saan taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 140 kilometero per oras at bugso ng hangin na umaabot sa 170 kph. Kumikilos ang bagyo pakanluran sa bilis na 20 kph ayon sa PAGASA.

Sa tantya naman ni GMA resident meteorologist Nathaniel "Mang Tani" Cruz maaring itaas ang signal no.4 sa mga probinsya ng Aurora at Quezon. At ang Metro Manila naman ay maaring itaas sa signal no.3 dahil umano ang sentro ng bagyo ay dadaan sa probinsya ng Bulacan.

"Pag tinignan mo yung track, halos dito lang sa may Bulacan dadaan yung sentro [ng bagyo] kaya ramdam natin yung hangin nung parating na bagyo na yan sa NCR (National Capital Region),Kung hindi hihina yan, malamang Signal No. 3 ang abutin ng Metro Manila at yung mga Aurora, Quezon ay posibleng Signal No. 4 yan dahil sa inaasahang lakas nitong bagyo" ayon kay Mang Tani.

inaasahan rin na kasama sa itataas sa signal no.3 o 4 ang buong Central Luzon, mga lugar sa Northern Luzon at ang CALABARZON.

Inaasahang tatama sa kalupaan si Super bagyong Rolly sa Linggo ng gabi or Lunes ng umaga ayon sa PAGASA.

Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive