General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Taiwan isa sa mga bansa na natiling malakas ang ekonomiya sa gitna ng pandemya- MAS

 


Taipei, Taiwan (October 29, 2020)- Bansang Taiwan isa sa mga bansa sa Asya na hindi masyadong naapektuhan ang ekonomiya mula sa pandemic COVID-19 ayon sa Monetary Authority of Singapore (MAS) 

Kabilang sa mga bansa sa Asya ay ang South Korea, China at Hong Kong kung saan naging matagumpay upang hindi maapektuhan ang ekonomiya ayon sa Singapore’s central bank kahapon araw ng Miyerkules.

Sa bagong "Biannual Macroeconomic Review" ng The Monetary Authority of Singapore (MAS), bumagsak ang ekonomiya ng buong mundo dahil sa COVID-19, mababa mula noong World War II.

At dahil sa pandemya halos lahat ay Online na tulad ng panonood ng palabas, Online classes at kung anu-ano pa kaya naman lumakas ang demand ng Electronic industry at nakabenipisyo rito ang mga bansang masasabing nagtagumpay sa pagsugpo ng COVID-19 tulad ng Taiwan, Vietnam, Malaysia, at China.

Samantala pilit naman bumabangon ang bansang Singapore na lubhang naapektuhan ng pandemya. Sa kanilang Third quarter ng Gross Domestic Product ay nasa 7 porsyento, mas mababa kumpara noong nakaraang taon.


Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive