General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Weather update sa bagyong Quinta

 


Manila, Philippines (Oktubre 25, 2020)- Bagyong Quinta lumakas pa at ganap ng isang Tropical Storm at patuloy na nagbabanta na maglandfall sa probinsiya ng Catanduanes mamayang hapon o gabi.

Nagtataglay ng lakas ng hangin na umaabot sa 65 kph at bugso na umaabot naman sa 95 kph. Si bagyong Quinta ay may international name na Molave. Mabilis itong kumikilos pa kanluran na my bilis na 25 kph. Huling namataan si bagyong Quinta sa East Virac, Cantanduanes na may layong 315 km.

Kung mananatili sa kanyang kasalukuyang pagkilos, inaasahan na mas lalakas pa ang bagyo bago ito maglandfall sa probinsya ng Catanduanes mamayang hapon o gabi ayon sa Wind Forecast Map. Asahan na ang pagsungit ng panahon ngayong araw dahil sa patawid ng bagyo mamayang gabi sa Bicol Region.

bukas naman ng madaling araw sunod na mananalasa ang bagyo sa mga probinsya ng Quezon at Marinduque at sa umaga posibling huling maglandfall sa area ng Batangas at bahagi ng Mindoro si bagyong Quinta.

Ngayong araw ay apektado ang Bicol Region at ilang bahagi ng Eastern Visayas ng mga pag-ulan at pagbugso ng hangin dahil sa paglapit ng bagyong Quinta. Posibling magkaroon ng biglaang pagbaha at pag pagguho ng lupa.

Bukas asahan na ang masungit na  panahon sa malaking parte ng Luzon kabilang ang na MetroManila at ilan pang bahagi ng Visayas dahil sa patuloy na pagtawid ng bagyong Quinta.

Antabayanan lang po ang susunod na weather update sa lagay ng panahon sa susunod na mga oras.


Source: Philippine Weather System/Pacific Storm Update


Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive