General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

CECC: Mga Pasahero galing Pilipinas hindi na sasailalim sa government quarantine facilities

 Taipei, Taiwan (November 5, 2020)- Simula November 9, mga pasahero mula Pilipinas hindi na isasailalim sa mga quarantine facilities ng gobyerno ayon sa Central Epidemic Command Center (CECC)

Ayon kay Minister of Health and Welfare Chen Shih-chung, ang mga pasahero mula Pilipinas na wala namang sintomas ay hindi na sasailalim sa mandatory quarantine sa mga government facilities kundi pinapayuhan nalang nila na sumailalim sa 14-day quarantine sa mga bahay o dormitoryo at pagkatapos ay isang linggo ulit na self-health management upang matiyak na wala talaga itong COVID-19.

Pero sa mga makikitaan ng sintomas  ay sasailalim sa COVID-19 polymerase chain reaction (PCR) tests at isasailalim sa mga government quarantine facilities.

Binago ng CECC ang kanilang regulasyon para sa Pilipinas matapos bumaba umano ang kaso ng COVID-19 sa bansa.


Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive