General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

CECC muling naghigpit sa pagsuot ng face mask, mga lalabag may malaking multa!

 

Taipei, Taiwan (November 19, 2020)- Para maibsan ang pasanin ng ng Health Care System ng Taiwan at para na rin maiwasan ang pagkalat ng sakit lalo na ngayong winter ay iminumungkahi ng Central Epidemic Command Center ang pagsusuot ng Face Mask sa mga pampublikong lugar. 

Ayon kay Health Minister Chen Shih-chung, ang sinumang hindi susunod sa regulasyon ay maaring pagmultahin ng NT$3000-NT15000. Kailangan magsuot ng face mask kung pupunta sa mga health care facilities o ospital, mga tindahan, palengke, mall, paaralan at mga public transport.

Kasama rin sa regulasyon ay pagsusuot ng face masks sa mga religious places, entertainment venues, movie theaters, banko at sa mga post office.

Samantala ang mga restaurant at mga bar ay exempted sa regulasyon ngunit kailangan na mahigpit na ipatupad ang social distancing.

Ang sinumang lalabag ay pagmultahin ng aabot sa NT$3000-NT$15,000 sa ilalim Article 37 og Taiwan Communicable Disease Control Act.

Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive