General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Isang dambuhalang "Oarfish" nahuli sa Eastern Taiwan

 


Taipei, Taiwan (November 7, 2020)- Isang mahabang isda na kung tawagin ay "oarfish" ang nabili ng Fumei Hou Seafood Restaurant sa isang mangingisda sa East coast ng Taiwan.

Ayon kay Chen Kuo-pin may-ari ng restaurant ay nabili nila ang "oarfish" sa halagang NT$16,000 na may habang 490 centimeters at aabout sa 45 kilo naman ang bigat.

At ayon sa may-ari maibebenta nila ang bawat kilo ng isda sa NT300-400 kada kilo.Nahuli ang isda sa baybayin ng Dong'ao sa Yilan County.

Ang "oarfish" ay lumalabas lamang kung may darating na lindol base sa mga lumalabas na pangyayari sa mga nakalipas at sa ibang lugar.

Matatandaang dalawang magkasunod na lindol ang naitala sa Eastern Taiwan lalo na sa may Taitung County, Biyernes ng 2:36 ng umaga at 9:40 ng umaga na may lakas na 5.4 magnitude.

Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive