General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Isang Pinay OFW sa Saudi Arabia kritikal ang lagay matapos itulak daw ng isang sekyung Arabo

 


Saudi Arabia (November 4, 2020)- Isang Pinay na OFW sa Saudi Arabia nakaratay sa ospital at nasa kritikal na kondisyon matapos umanong mahulog mula sa ikaapat na palapag ng pinagtatrabahuhan gusali.

Nakilala ang biktima na si Janet Calalay isang on-call cleaner at may tatlong anak mula sa Malolos, Bulacan. Ayon sa kanyang kamag-anak na si Princess Anne Reyes nagtamo umano si Calalay ng mga bali at may basag ang bungo.

Kwento pa ng kaanak, may mga katrabaho daw ng biktima na nakakita ng itinulak ito ng kanyang katrabaho na isang guwardiyang Arabo. Bago pa man daw mangyari ang insidente ay gustong iwanan ni Janet ang kanyang trabaho dahil umano sa mga kaltas sa kanyang sahod at nang malaman ito guwardiya ay hindi umano ito nagustuhan ang ideya na iwan ang trabaho kaya nauwi sa malagim na aksidente ang lahat.

"Naniniwala po ako na lumalaban siya para sa mga anak niya, sana po ma-aksyonan kung ano talaga ang nangyari sa kapatid ko. Para makauwi siya kaagad" pahayag ni Daisy Calayag, kapatid ni Janet Calayag.

Umapela ngayon ng tulong ang pamilya sa gobyerno para matulungan sila.





Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive