General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Bansang Israel nangangailangan ng 500 Filipino caregiver - POEA

Manila- Philippines (Nobyembre 13, 2020) - Naglabas ng anunsyo ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA ) na nangangailangan ng 500 na Filipino caregiver para sa bansang Israel.

Ang nasabing trabaho ay pinangangasiwaan ng pamahalaan ng Pilipinas at gayon rin ang pamahalaan ng Israel upang masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipino workers at maprotektahan rin ang kanilang mga karapatan.

Ayon sa  POEA 90% sa kukunin ay babae at 10% lalaki. Ang mga kwalipikadong mga aplikante ay hindi na kailangan mgbayad ng placement fee ngunit sila ay gagastos sa pagbabayad sa ilang mga mahahalagang dokumento.

Sinabi ni POEA administrator Bernard Olalia na dapat ay nasa edad 23 pataas ang mga applicante. Dapat ay high school graduate sila at nakatapos ng caregiver course sa TESDA. Nasa mahigit 75,000 ang sahod ng caregiver sa Israel. Ang mga aplikante ay dapat may tangkad na 4'11 at timbang na 45 kilos. Ang kwalipikadong aplikante ay magkakaroon ng maximum 5 taong kontrata. 

Maari pong mag apply ang mga intresadong aplikante sa www.poea.gov.ph




Share:

1 comment:

Labels

Loading...

Blog archive