General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Kauna-unahang balikatan sa pagitan ng bansang Taiwan at Estados Unidos simula na!


 Taipei, Taiwan ( November 9, 2020)- Sa kabila ng mga banta ng China sa bansang Taiwan, hindi nagpatinag ang Taiwan dahil simula Lunes ay magsisimula na ang balikatan sa pagitan ng Taiwan at Amerika.

Matapos ang 40 taon, muling nagkaroon ng balikatan ang dalawang bansa. Ito ay kinumpirma ng Taiwan's Naval Command. Inimbitahan daw ng Hukbong Sandatahan ng Taiwan ang U.S. Marines at magtatagal ang balikatan ng apat na linggo.

Ayon sa Taiwan's Naval Command,  sumailalim ang mga sundalong Amerikano sa dalawang linggong quarantine bilang pagsunod sa protocol ng CECC. 

Magaganap ng balikatan sa Tsoying Naval Base sa Kaohsiung, kung saan sasailalim sa pagsasanay ang Taiwanese Marines sa assault boat at speedboat infiltration operations.

Ito ang kauna-unahang na nagkaroon ng balikatan mula noong 1979.

Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive