General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Lamig ng panahon sa Benguet bumagsak sa 9.9 degrees Celsius ngayong Amihan

 


Naramdaman ngayong Amihan season sa La Trinidad, Benguet ang pinakamalamig na panahon matapos pumalo sa 9.9 degree Celsius ang temperatura doon.

Ayon naman kay PAGASA weather forecaster Ariel Rojas mas makakaranas pa ng mas malamig na panahon ang Pilipinas hanggang sa susunod na taon.

“Inaasahan natin na mas malamig ang temperatura sa second half ng December at mas malamig pa pagdating ng January at February, which are the peak months of Amihan sa Pilipinas,”  sabi ni Rojas.

Samantala halos zero visibility naman ang naranasan sa Tagaytay City dahil sa hamog o fog ngayong araw base sa kuha ni Marco Manalo.



Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog archive