General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

E-bike sa Taoyuan nagliyab mga nakaparadang motor damay!

 


Taipei, Taiwan (November 7, 2020)- Nasa limang motor ang nasunog kahapon ng tanghali sa harap ng Flavor Pinoy Cuisine matapos madamay ng isang E-bike na nag-spark at nagliyab sa may Nangong rd. Luzhu District, Taoyaun City.

Kaagad naman rumisponde ang Fire department ng Luzhu District upang apulahin ang nasusunog na mga E-bike at muntikan pang madamay ang kaharap na tindahan.

Photo courtesy of Rommel Balisi

Ayon sa ulat, biglang nag-spark ang isang nakaparadang E-bike at nauwi sa sunog kung saan damay ang mga nakaparadang motor. 

Tinitingnan ngayon ang angulo na short circuit dahil lahat ng mga nakaparadang E-bike ay re-model.

Matatandaang mahigpit na ipinagbabawal sa batas ng Taiwan ang pag-upgrade o pag-remodel sa mga E-bike at may kaukulang multa ang mga ito.

Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive