General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Mahigit 6,000 katao ang nagpositibo sa sakit na "brucellosis" sa China

Beijing, China (November 6, 2020)- Mahigit  6,000 katao sa Lanzhou sa probinsya ng Gansu sa Northwest China ang nagpositibo sa "brucellosis", ang sakit na ito ay isang bacterial disease na nagdudulot ng lagnat, pagpapawis, sakit ng ulo, sakit sa likod, at panghihina sa katawan.

Aabot sa 55,725 katao ang sumailalim sa pagsusuri sa Lanzhou at lumalabas na 6,620 katao ang nagpositibo sa "brucellosis" kung saan nakukuha umano ito direktang paghawak sa mga hayop, pagkain o pag-inom ng produkto mula sa kontaminadong hayop, ayon sa World Health Organization.

Sa imbestigasyon lumalabas na ang nasabing sakit ay mula sa pabrika na pagawaan ng "brucellesis vaccine" kung saan hindi umano napatay ang mga bacteria na ginamit sa laboratoryo dahil sa expire na chemical ang ginamit, dahil dito kumalat ito mula sa "gas waste" na kalaunan ay naging "aerosols" at sumama sa hangin na unang naitala sa Lanzhou Veterinary Research Institute, kung saan Nobyembre noong nakaraang taon pa naitala ang unang kaso.

Ayon naman sa Global Times, Disyembre noong nakaraang taon ng ipasara ang nasabing planta.

.


Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive