General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Mga gastusin sa quarantine dapat sagot ng employer o broker ayon sa Ministry of Labor ng Taiwan


Hinihikayat ng Workforce Development Agency ng Ministry of Labor ang na magsumbong sa kinauukulan kung sakaling pinagbayad o kinaltasan sa sahod ang mga migrant worker dahil sa singil umano ng 14 days quarantine.

Ayon sa pamunuan hindi dapat ipasa ng mga employer at broker ang pasanin sa mga migrant worker ang gastos sa 14 days quarantine. At kung makakaranas ng ganito ay hinikayat ng ahensya na tumawag sa 1955 upang maaksyunan ang nasabing reklamo.

Pinaalalahanan naman ng ahensya ang mga employer na maaring pagmultahin ng hindi baba sa NT$300,000 at isang taong "ban hiring" ang isang broker o employer kapag napatunayang pinagbayad nga o kinaltasan sa sahod ang isang migrant worker.

Samantala, nilinaw rin ng ahensya pwedeng mag-apply ang isang migrant worker ng quarantine compensation kung saan babayaran ito ng NT$1,000 kada araw.


Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive