General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Repatriated OFWs direktang nang makakatanggap ng 10,000 pesos paglapag sa Airport

Manila, Philippines (November 7, 2020)- Lahat ng mga Repatriated na Overseas Filipino Workers (OFWs) na nawalang ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic ay makakatanggap na ng 10,000 pesos pagkalapag mismo sa Airport sa Pilipinas.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nitong Miyerkules hindi na kailangan ng mga OFW na pumunta sa mga embahada upang magpasa ng dokumento at patunayan na nawalan talaga sila ng trabaho dahil sa COVID-19. At sa pakikipagpulong ng kalihim sa mga labor officials ay napagkasunduan nila na sa Airport na agad ibibigay ang pera kaysa magpabalik-balik pa ang isang OFW sa mga embahada.

“Why do we have to wait for the OFWs to apply? We know they were displaced because of COVID-19 and therefore they deserve the financial assistance.So long as we have proof that they are OFWs and they were displaced, we will give them assistance,” ayon kay Bello 

Ito ang bagong regulasyon mula sa dating sistema ng DOLE-OWWA AKAP fund. 

Samantala, Lunes ng inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ahensya na kailangan maibigay ang cash assistance bago mag-pasko sa lahat ng mga OFW na nawalan ng trabaho.

Base sa datos ng Department of Foreign Affairs ngayong October lamang ay umabot sa 37,095 na mga OFW ang umuwi dahil nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.

Samantalang inaasahang nasa 107,000 mga OFW ang inaasahan ng DFA ang uuwi bago matapos ang taon. Sa kabuuan ay umabot na sa 237,363 mga OFWs ang repatriated dahil sa COVID-19.

Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive