General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Short term extension program para sa mga migrant worker ibinasura na ng MOL

 


Taipei, Taiwan ( November 25, 2020)- Inanunsyo na ng Ministry of Labor ng Taiwan na hindi na tatanggap ang ahensya ng short term extension of contract, kung saan mula ng naghigpit ang bansang Taiwan sa kanilang mga borders ay binibigyan ng palugit ang mga dayuhang manggagawa na patapos na ang kontrata na makakuha ng karagdagang tatlo hanggang anim buwan na palugit.

Ayon kay Section Chief ng Ministry of Labor Hsueh Chien-chung dagdag pasanin daw umano ito ng mga employer at ng ahensya kaya napagdesisyunang tanggalin na ang naturang programa.

Dagdag pa Hsueh na marami na ngayon mga bansa ang nagbukas ng kanilang mga border at marami na rin ang nakakalabas pasok sa mga bansa.

Base sa datos ng MOL, mula sa buwan ng Mayo hanggang Nobyembre ay umabot na sa 1,989 kung saan karamihan ay Filipino, Thailander at Vietnamese.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog archive