General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Simula Disyembre mga pasahero papuntang Taiwan obligado ng magpakita ng certificate of a negative COVID-19 RT-PCR Test result

 

Taipei, Taiwan (November 19, 2020)- Simula sa susunod na buwan obligado na ang lahat ng mga pasahero papuntang Taiwan na magpakita ng certificate of a negative COVID-19 RT-PCR Test result ayon sa CECC.

Sinabi ng ahensya kahapon na simula sa susunod na buwan lahat ng lahi na papasok sa bansang Taiwan ay obligado ng magpresenta ng certificate na negatibo ito sa COVID-19 at dapat ang test ay kinuha tatlong araw bago lumipad papuntang Taiwan.Nilinaw rin ng ahensya na dapat nakasulat sa English ang resulta ng COVID-19 Test results.

Matatandaang sa kasalukuyan ay hindi obligadong magpresenta ng COVID-19 test result ang mayroong Alien Resident Certificate (ARC),kasama na dito ang ang Taiwanese citizens at Alien Permanent Resident Certificate (APRC) holders.

Ang paghihigpit ng ahensya ay bilang paghahanda sa second wave umano ng COVID-19 kung saan palalain dahil sa Winter season.

Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive