General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Bansang Taiwan nangangamba matapos mamasyal sa pampublikong lugar ang isang Piloto na positibo sa COVID-19

 


Taipei, Taiwan (December 23, 2020)- Muling binalot ng pangamba ang bansang Taiwan matapos umikot-ikot sa Northern Taiwan ang isang piloto mula sa New Zealand na positibo umano ito sa COVID-19.

Ang kaso ng nahawaan ng Kiwi National(case 765) na si case 771 na isang empleyado ng Quanta Computer ay binilang ng Central Epidemic Command Center (CECC) na isang local case. Matatandaang buwan pa ng Abril nagtala huling lokal na kaso ng COVID-19 ang bansa. Si case 765 ay nahawa sa kapwa piloto kung saan hindi umano sila nagsusuot ng face mask. Lahat ng kasamang piloto ng pasyente ay nagpositibo.

Nangangamba ngayon CECC head Chen Shih-chung dahil base sa kanilang imbestigasyon at ng mga pulis ay namasyal pa umano ito sa mga matataong lugar tulad ng Shin Kong Mitsukoshi Tienmu Store sa Taipei, sa pagitang oras 11:30 a.m. at 12:30 p.m. At noong Dec. 8, sa Far Eastern Sogo Tianmu Store sa Taipei sa pagitang oras na 6:30 p.m. at 7:30 p.m. At Dec. 10, sa  Costco Nankan Store naman sa Taoyuan City, mula 11 a.m. at 12 p.m.

Pinagmulta na ng NT$300,000 ng Health Ministry ng Taiwan ang piloto ng Eva Air na isang New Zealand national.

Kaya inaabisuhan ng CECC, ang publiko lalo na ang mga pumunta sa mga nasabing lugar na mag-self check at kung makakaranas ng sintomas bago mag Disyembre 25, ay agad kumunsulta sa pinakamalapit na Community Testing Center.

Paalala ng CECC, ugaliing magsuot ng face mask.


Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive