General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Christmasland sa New Taipei City sinarado na dahil sa banta ng U.K. COVID-19 variant

 


Taipei, Taiwan (December 31, 2021)- Maagang tinapos ng New Taipei City government ang kanilang kilalang Christmasland sa bansa ito'y dahil sa banta ng new strain COVID-19.

Tinapos na kaninang hating gabi ang pagpapailaw ng buong Chistmas City ng New Taipei kung saan alas 10 ng gabi ay huling narinig ang Christmas sounds. Maagang sinarado umano  ang lugar para sa kaligtasan ng publiko  ayon sa New Taipei City Tourism Bureau.

Layunin umano ng local government ng New Taipei na maagang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 lalo na dinudumog lagi ang lugar ng mga tao upang kumuha ng mga litrato.

Sa orihinal na plano ay magtatapos sana ang Christmas land exhibition sa Enero 3, 2021, pero dahil sa napabalitang new strain ng COVID-19 ay maaga itong tinapos kaninang 12:00 ng hating gabi.

Matatandaang binuksan nitong November 13, 2020 ang Christmas land bilang paggunita sa taonang Chistmas Celebration.


Source: UDN NEWS


Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog archive