General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Isang Pinay na bumalik mula sa Pilipinas at kumain sa isang Shabu-shabu, positibo pala sa COVID-19

 




Kaohsiung, Taiwan (December 23, 2020)- Isang Pinay na bumalik mula sa Pilipinas ang nagpositibo sa COVID-19 matapos ang kanyang 14 days quarantine period.

Ayon sa Kaohsiung City Health Bureau, ang Pinay na bumalik sa Pilipinas noong November at natapos ang kanyang quarantine noong December 10, 2020. Sa kanyang 14 days quarantine ay hindi umano ito nakitaan ng sintomas ng COVID-19. Kaya matapos ang kanyang quarantine period ay muli siyang nagpasuri sa ospital.

Ngunit bago pa man lumabas ang resulta ng kanyang pangalawang pagsusuri ay nagyaya itong kumain sa Shabu-shabu kasama ang siyam niyang mga kaibigan na tumagal umano ng mahigit isang oras. Huli na ng malaman ng pasyente na positibo pala siya sa COVID-19 ng lumabas ang resulta ng kanyang pangalawang pagsusuri. 

Ayon sa Kaohsiung City Health Bureau ang pasyente ay lumabag sa Infectious Disease Prevention and Control Act, kung saan  dapat ang pasyene ay sasailalim muna sa pitong araw na Independent Health Management pagkatapos ng 14 days quarantine at bawal pumunta sa mga pampublikong lugar at laging magsusuot ng face mask, ito'y alinsunod sa kautusan ng Central Government.

At ang sinumang lalabag sa Infectious Disease Prevention and Control Act ng Article 48 at 58,ay maaring pagmultahin ng NT$60,000 hanggang NT300,000. At pagnilabag naman ang Article 67 at 69 ay maaring pagmultahin ng hindi baba sa NT$10,000. 

Kaya matapos ang nasabing insidente ay pinagmulta ang nasabing babae ng NT$10,000.

Nangangamba ang City Health Department ng Kaohsiung baka magkaroong ng lokal transmisyon ng COVID-19 dahil sa insidente na ito, pinayuhan na ang mga kamag-anak at mga kaibigan ng pasyente na sumailalim sa Independent Health Management. At kung makakaranas ng mga sintomas ay maaring magpatingin agad.  


SOURCE: ET Today


Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive