General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Isang Migrant Worker sa Taiwan ang pinagmulta ng NT$100,000 dahil sa paglabag sa quarantine rules

Kaohsiung, Taiwan (November 7, 2020)- Kinumpirma ng City Health Department ng Kaohsiung na isa ngang migrant workers ang pinagmulta ng NT$100,000 matapos daw itong lumabag sa quarantine protocol.

Base sa presscon kahapon ng Linggo ng Health Department, isang lalaking migrant worker na dumating noong Nobyembre 13, ang pinagmulta matapos umanong lumabas ng kwarto sa loob ng walong segundo, dahil may inabot daw ito sa kanyang kasama sa kabilang kwarto ng tinutuluyan nilang quarantine hotel.

Binalaan ng health department ang sinumang nasa quaratine ay dapat sumunod kundi pagmumultahin ng hindi baba sa NT$100,000.

Sinabi rin ng ahensya na ang 3,000 quarantine hotel ng siyudad ay malapit ng mapuno dahil sa dumagsang pasahero papasok sa Taiwan.


Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive