General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

LOOK: Outdoor gatherings sa Christmas City sa New Taipei bawal na



Taipei, Taiwan (December 23, 2020)- Ihinto ang malaking pagtitipon sa Christmasland "Effective Immediately" yan ang utos ng lokal na gobyerno ng New Taipei City kahapon matapos pumutok ang balita na may bagong lokal na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay New Taipei City Department of Tourism and Information Commissioner Chang Chi-chiang, Bawal muna ang malalaking pagtitipon sa Christmasland pero tuloy pa rin ang pagpapailaw sa mga dekorasyon. Apektado sa kautusan ang  mga product promotions at marketing press conferences.

Subalit papayagan pa rin makapasok sa Christmasland ang publiko, ngunit kailangan umano ito sumunod sa epidemic prevention measures.

Nagsimula ang pagpapailaw ng Christmasland noong Nobyembre 13, 2020 at magtatapos sa January 3, 2021 kung saan ngayong taon ang tema ay hango mula sa Disney characters.


Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive