General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Mga Foreign Visitors bawal munang pumasok sa Taiwan, simula Enero 1, 2021

 


Taipei, Taiwan (December 31, 2020)- Dahil sa kauna-unahang kaso ng U.K. COVID-19 Variant na naitala sa bansang Taiwan ay muling hihigpitan ang kanilang mga paliparan at pantalan simula Enero 1, 2021, ayon kay CECC Head Chen Shih-chung.

Sa pahayag nitong Miyerkules ng mga opisyales ng Central Epidemic Command Center, nakatadang higpitan muli ang mga paliparan at mga pantalan ng bansang Taiwan matapos maitala ang unang kaso ng U.K. COVID-19 Variant. 

Simula Enero 1, 2021, lahat ng mga Foreign Visitors ay bawal munang pumasok sa Taiwan. Hindi kasali sa bagong panuntunan ang mga Foreign national na may resident visa holder, diplomats, businessman na may special permit, Asawa at anak ng mga Taiwanese, Mga nasa ilalim ng humanitarian considerations at mga foriegn national na may special entry permits.Sakop ng panuntunan ng bansang Taiwan ang mga probinsya ng China na Macau at Hong Kong.

At simula Enero 15, 2021, Bago pa man lumipad papuntang Taiwan, lahat ng mga pasahero ay kailangang magpakita ng pruweba na may naka-reserved ng quarantine facility o hotel sila at dapat isang tao lang sa isang kwarto.

Kailangan rin magpakita ng negative result Polymerase chain reaction (PCR) test ng COVID-19, Tatlong araw bago lumipad pa Taiwan.



Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive