General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

OFW sa nasunog na kumpanya sa Taoyuan, pumanaw na

 


Taipei, Taiwan (December 21, 2020)- Pumanaw na ang isang OFW na trabahante sa isang Pharmaceutical Company matapos masunog ang kumpanya linggo ng tanghali.

Pumanaw na nitong Lunes ang isang kababayan natin matapos magtamo ng "third degree burn" ng halos 90% sa kanyang katawan. Matapos masunog ang pinapasukang kumpanya na Sci Pharmtech Inc. sa Taoyuan ayon sa spokesman na si Yan Wen-chen. Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na umano ang kumpanya sa pamilya sa Pilipinas ng biktima para sa kaukulang kompensasyon ay pagpapauwi ng labi.

Samantala ang isa namang Taiwanes ay nakalabas na ng ospital matapos magtamo ng sunog sa kamay.Tinataya naman nasa NT$800 milyon ang nalugi sa kumpanya.

Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive