General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Pinakamababang temperatura naitala ngayong winter season sa Taiwan


Taiwan Weather Forecast (December 15, 2020)- Ngayong araw ang pinakamalamig na panahon base sa datus ng Central Weather Bureau kung saan ang lugar ng Taoyuan ang may pinakamababang temperatura na 14 degrees Celsius. At sinundan naman ito ng Keelung city, Taipei City, Hsinchu City at Hsinchu County sa 15 degrees Celsius. At iba pang lugar sa North Taiwan ay makakaranas ng 19-18 degrees Celsius.

Samantala ang Miaoli County ay makakaranas ng 16-18 degrees Celsius at mga lugar naman ng Central Taiwan ang Taichung City, Chang hua County, Nantou County, Yunlin County at Chiayi county ay makakaranas ng 17-23 degrees Celsius.

At ang Timog na bahagi naman ng Taiwan, ang Tainan City ay makakaranas ng 17-24 degrees Celsius at ang Kaohsiung City naman ay makakaranas ng 19-24 degrees Celsius.

Eastern Taiwan naman ay ang Haulien ay makakaranas ng 17-20 degrees Celsius at ang Yilan county naman ay makakaranas ng 15-16 degrees Celsius.

At mga islang ng bansang Taiwan tulad ng Lienchiang County ay makakaranas ng 9-11 degrees Celsius, Kinmen County ay 13-16 degrees Celsius at ang Penghu County naman ay 17-20 degrees Celsius.

Samantala ang Snow Mountain Weather naman sa loob ng isang Linggo, maglalaro ang temperatura sa 0 hanggang -1 kung saan ang pakiramandam ay parang -8 hanggang -10 ayon sa weather forecast.

Kagabi ay bumaba ang temperatura ng 12 degrees Celsius sa Northern Taiwan at base sa forecast ng CWB ang lamig ng panahon ay mararanasan sa buong linggo na may panaka-nakang pag-ulan at  bahagyang pagbaba ang temperatura sa araw ng Biyernes.

Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive