Taipei, Taiwan (December 31, 2020)- Kauna-unahang kaso ng COVID-19 variant naitala sa bansang Taiwan, ito'y kinumpirma ng Central Epidemic Command Center (CECC), araw ng Miyerkules.
Ayon kay CECC Head Chen Shih-chung, naitala ang unang kaso ng nasabing new strain ng COVID-19 matapos magpositibo si case 792 mula sa United Kingdom, na dumating umano ang pasyente noong December 27.
Ang nasabing pasyente ay may lagnat na ng dumating sa Taiwan, kaya naman agad dumaan sa mga masusing pagsusuri at lumabas ang resulta na isang new strain ng COVID-19 ang tumama sa binata. Sa kasalukuyan ay nagpapagaling na umano sa ospital.
Nakatakda naman magpatupad ang bansang Taiwan ng mahigpit na siguridad sa lahat ng border simula Enero 1, 2021
No comments:
Post a comment