General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Yushan Mountain nakitaan na ng snow

 


Taipei, Taiwan (December 21, 2020)- Dahil sa lamig ngayong winter season ay umabot na sa .5 cm ang kapal ang yelo sa Yushan mountain ngayong umaga kung saan naitala ang -3.1 degrees Celsius ayon sa Central Meteorological Bureau station sa Yushan.

Ang lagay ng panahon sa Northern Taiwan, sa araw ay maglalaro ang temperatura sa 14-20 degrees Celsius at sa gabi naman mula 14-18 degrees Celsius.

Sa Central Taiwan naman ang temperatura sa araw ay maglalaro sa 16-25 degrees Celsius at sa gabi naman ay maglalaro sa 16-21 degrees Celsius.

Samantala sa Southern Taiwan ang temperatura sa araw ay maglalaro sa 18-27 degrees Celsius at sa gabi ay maglalaro naman 17-24 degrees Celsius.

Ang mga islang bahagi ng Taiwan ay makakaranas ng 13-17 degrees Celsius sa umaga at 9-14 degrees Celsius naman sa gabi.

Asahan ang malamig na panahon sa buong linggo at may panakanakang pag-ulan ngayong araw ng Lunes at asahan ang maulap na panahon bukas at maaraw sa darating na mga araw.


Share:

No comments:

Post a comment

Labels

Loading...

Blog archive