General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

LOOK: Balikbayan box ng isang OFW sa Taiwan ninakawan!

 


Lahat ng OFW sa buong mundo ay excited magpadala ng balikbayan boxes laman ang mga mahahalagang bagay na pinagpaguran. Subalit anong mararamdaman mo kung ang iyong balikbayan box na ipinagkatiwala mo sa padalahan ay ninakawan ka pa?

Yan ang nangyari sa ating isang Kababayan na si Andrew ng OFW sa Taiwan nagpadala ng balikbayan box papunta sa kanyang mahal sa buhay sa Mindanao. Ipinagkatiwala niya sa LBC ang kanyang bagahe ngunit nitong Enero dumating ito sa kanila na may tama sa gilid. Binutasan umano ito ayon kay Andrew kung saan nawala sa loob ng box ang tatlong piraso ng Samsung Note 3 at tatlong piraso na Samsung Tab 4, kasama dito ang isang Macbook Laptop.

Idinulog niya ito sa kumpanya ng LBC pero ayon sa pamunuan ay iimbestigahan pa nila ang insidente ngunit hindi ito nagbigay ng araw kung hanggang kelan matatapos ang imbestigasyon.

Subalit may agam-agam ang ilan kung mababayaran pa ng LBC ang mga nawalang gamit dahil hindi naman umano idineklara ng may-ari ang mga nasabing gamit.

Dito malalaman natin ang kahalagahan ng pagsumite ng tama at kung ano ang mga laman ng ating box kasi pagnagkawalaan o nininakaw ay obligadong bayaran ng kumpanya ang  mga ito.

Courtesy of Andrew

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog archive