General Information and Millennial Jobs for every Filipinos

Matataas na lugar sa bansang Taiwan nagsimula ng mag-Snow dahil sa tindi ng lamig

 


Taipei, Taiwan (January 8, 2021)- Dahil sa Cold wave na bumabalot sa Taiwan, ilang matataas na lugar sa bansa nagsimulang magniyebe.

Ayon sa Central Weather Bureau (CwB), araw ng Huwebes ng tumama ang cold wave sa bansa at naitala naman ngayong umaga sa Taipei's Yangmingshan kapal ng niyebe sa 5 sentimetro at sa ibang parte naman ay 10 sentimetro.

Ayon sa Yangmingshan's Datunshan station bandang alas 1 ng nga madaling araw ng magsimulang pumatak ang niyebe kung saan naitala ang -8 degrees Celsius at alas 2 naman ng umaga na maitala ang 5 sentimetro kapal ng niyebe.

Ayon naman sa WeatherRisk, ang pagpatak ng snow sa mga kabundukan na may 800 hanggang 1000 ang taas ay mapapatuloy hanggang hapon. 

Samantala hindi naman baba sa 10 degrees ang nararanasang lamig sa Central at Northern Taiwan.

Share:

No comments:

Post a comment

Loading...

Blog archive